Sinovac, AstraZeneca booster ituturok ng pharmacies, clinics

Sinovac, AstraZeneca booster ituturok ng pharmacies, clinics

January 20, 2022 @ 1:56 PM 7 months ago


Manila, Philippines — Tanging Sinovac at Astrazenca lamang ang ituturok bilang booster sa mga pharmacy at clinik na makiiisa sa ‘Resbakuna sa Botika’ program ng gobyerno.

Inilunsad ang ‘Resbakuna sa Botika’ ngayong araw at itutuloy bukas sa mga piling pharmacy at clinic sa National Capital Region (NCR).

“Initially, ang ibibigay natin ay Sinovac at saka AstraZeneca kasi dapat maging gamay ng ating mga pharmacists, ‘yung magbabakuna, ‘yung mga bakuna,” ano Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing.

“Kaya inumpisahan muna natin ng Sinovac at saka AstraZeneca kasi pwede sa regular refrigerator, ‘yung tinatawag nating domestic.”

Habang ang mga mas sensitibong vaccine brand tulad ng Pfizer at Moderna ay idedeploy pa pagsapit ng Phase 1 o 2.

“After the Phase 1 or the Phase 2, tignan natin kung pwede nang bigyan ng ibang bakuna kasi ‘yung Pfizer at saka ‘yung Moderna kaunting sensitive handling.”

Dagdag pa ni Cabotaje, maaaring mapalawig ang Resbakuna sa Botika program sa labas ng Metro Manila sa Pebrero.

“After the first rollout, after one week and evaluation, NCR-wide muna tayo and then after NCR-wide, siguro by second week or third week of February, pwede nating umpisahan sa iba’t ibang panig ng ating bansa, based on the readiness assessment of our regional offices kung sino ang willing at ready.”

Kasali naman ang mga sumusunod sa Resbakuna sa Botika launch:

  • Healthway Manila Clinic

  • Mercury Drug Malate, Pres. Quirino Ave.

  • South Star Drug Marikina

  • Watsons, SM Supercenter Pasig

  • Generika Drugstore Signal 1 in Taguig

  • The Generics Pharmacy, Parañaque

  • Qualimed Clinic, McKinley Road in Makati

RNT/FGDC