Sinovac ‘di ideal sa health workers; Priority list sa mababakunahan posibleng magbago

Sinovac ‘di ideal sa health workers; Priority list sa mababakunahan posibleng magbago

February 22, 2021 @ 2:02 PM 4 days ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Matapos ibabala ng Food and Drug Administration ang bisa ng Sinovac vaccine sa health workers na unang nakikipambuno sa COVID-19, ay lumulutang din ang posibilidad ng pagbabago ng priority list ng mababakunahan.

Nauna na kasing inaprubahan ng FDA ang emergency use ng bakuna ng Sinovac ng Tsina, pero sinabi ni FDA Chief Eric Domingo na ang 50.4% efficacy rate nito ay maaring hindi ideal para sa mga healthcare worker.

Aniya pa na dapat malulusod na tao edad 18-59 ang dapat unahin na mabakunahan sa pagdating ng Sinovac sa bansa.

“Ang nakita kasi sa trial sa Brazil na binigay ito sa healthcare workers sa hospitals treating COVID-19 ay 50.4% ang efficacy niya. Mas mabuti na kaysa wala. Pero ang rekomendasyon natin, ng mga experts ay hindi ito ang pinaka magandang bakuna para sa kanila,” aniya sa isang media briefing.

Sa hiwalay na press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay kinumpirma rin niya na ang Sinovac ang unang bakunang darating sa bansa.

“Baka mauna ang economic frontliners na kasama ng sundalo, nagtatrabaho sa industriya na bukas noong ECQ. Kung hindi mabibigay sa seniors at frontliners, napakadami namang critical economic frontliners na mabibigyan.”

Matatandaang una dapat na mabakunahan ang health workers at senior citizen, maging ang mga bulnerable sa COVID-19. RNT


  •  
  •  
  •