Sinovac vaccine epektibo – DOH

Sinovac vaccine epektibo – DOH

July 12, 2021 @ 1:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng Department of Health (DOH) na epektibo ang Sinovac vaccine sa kabila ng ulat sa Thailand na pagkakahawa sa coronavirus disease (COVID-19) kahit bakunado na.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa pag-aaral sa Chile sa 10 milyong katao, 90 porsyentong epektibo ang Sinovac vaccine laban sa ICU admission, 87.5% laban sa hospitalization, at 86% laban sa pagkakasawi.

“Ito po ay magandang pagpapatunay na effective itong Sinovac,” ani Vergeire sa isang panayam sa dzBB.

Base sa health ministry ng Thailand, 618 ng 677,348 bakunadong medical personnel na tumanggap ng Sinovac vaccine ang tinamaan ng COVID-19.

Sa Pilipinas naman, 60 mild case ng COVID ang naitala sa mga nakatanggap ng dalawang dose ng Sinovac vaccine.

“Nandyan pa rin naman po ‘yung effectiveness ng bakuna. Kailangan pagkatiwalaan po natin ‘yan,” giit ni Vergeire.

Sa huling datos, 3.2 milyon na ang bakunadong Filipino o 4.5 porsyento ng 70 milyong target na mabakunahan kontra COVID-19. RNT/ELM