Sinovac vaccine ituturok na sa mga bata sa China

Sinovac vaccine ituturok na sa mga bata sa China

June 5, 2021 @ 4:48 PM 2 years ago


CHINA – Aprubado na ng China ang emergency use ng Sinovac vaccine para sa may edad tatlo hanggang 17 taong gulang ayon kay chairman Yin Weidong.

Batay sa preliminary results mula Phase I at II clinical trials na epektibo ito sa immune response ng may edad tatlo hanggang 17 anyos kung saan karamihan sa mga ito ay may mild na sintomas.

Tapos na ang Phase 2 clinical trial at naturukan na ng ikatlong booster ang mga ito.

Nakitaan ng 10 fold sa antibody levels ang mga lumahok kumpara sa nakaraang linggo at 20 fold sa kalagitnaan ng buwan.

Paalala ni Yin na kailangan pang matapos ang longer-term observation ng antibody para sa ikatlong dose nito. Mula sa ulat ng Reuters