Sinulog Festival Queen, hinirang na Miss Angkas 2023

Sinulog Festival Queen, hinirang na Miss Angkas 2023

January 14, 2023 @ 12:06 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naging matagumpay kagabi ang ginananap na Festival Queen pageant kagabi sa Sinulog sa Cebu City.

Hinirang bilang Miss Angkas si Sinulog Festival Queen Kiara Lalaine Wellington mula sa Talisay City Cebu dahil sa impresibong pagdadala ng magarang costume nito.

Personal na pinagkaloob ni Angkas CEO George Royeca (pangalawa sa kaliwa) ang pabuya ng Angkas para kay Miss Angkas.

“Salamat sa pagtangkilik sa Angkas. Umaasa kayo na tayo ay magsisikap mas makatulong pa sa Cebu partikular na sa hanay ng maayos na transportasyon,” pahayag ni Royeca.

Bukas, araw ng Linggo ay naglaan ng libreng sakay ang Angkas para sa mga deboto para sa ikadadali ng transportasyon.

“Meron po tayong byahe sa ating mga loop. Maari din sila mag tungo sa fan page ng Angkas para sa ibang detalye,” pagtatapos ni Royeca.

Makikita din sa larawan si dating PBA cager Dondon Hontiveros na City Councilor ng lungsod ng Cebu at nagpahayag din ng pasasalamat sa Angkas. RNT