Sirit-presyo sa produktong petrolyo nakaumang

Sirit-presyo sa produktong petrolyo nakaumang

March 4, 2023 @ 3:52 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Matapos ang kamakailang pagbaba ng presyo ng fuel pump, kailangang maghanda ang mga motorista para sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa darating na linggo.

Sa pagtataya nito sa presyo ng gasolina para sa linggo ng Marso 7 hanggang 13, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na maaaring tumaas ng P1.30 hanggang P1.50 ang presyo kada litro ng diesel.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P0.10 hanggang P0.30 kada litro.

Sa pagbanggit sa kalakalan ng langis sa nakalipas na apat na araw (Pebrero 27 hanggang Marso 2), sinabi ng isang source na ang presyo ng diesel ay maaaring tumaas ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro habang ang presyo ng gasolina ay maaaring tumaas ng P0.05 hanggang P0.25 kada litro.

Karaniwang nag-aanunsyo ng price adjustments ang mga kumpanya ng langis tuwing Lunes, na ipapatupad sa susunod na araw. RNT