Sistema ng PSI, bulok; opisyal, palitan na

Sistema ng PSI, bulok; opisyal, palitan na

June 10, 2022 @ 3:41 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Patuloy pa rin umano ang pamamayagpag ng bata-bata system sa loob ng Philippine Swimming, Inc, ayon sa reklamo ni Cecille Doromal-Walller, ina ni Chloe Isleta, national record holder sa backstroke at SEA Games multi-medalist.à

Sa isang interview sa lingguhang Tabloid Organizations in Philippine Sports (TOPS) Forum, sinabi ni Doromal-Waller na  walang pagpapahalaga ang PSI sa sakripisyo ng 24 anyos na National Record Holder sa 100-m backstroke (1:03.37)  na si Chloe, nang umano’y biglaan itong alisin ng PSI sa line-up na sasabak sa FINA World Championship sa Hunyo 19-24 sa Budapest, Hungary.

“Chloe is really upset. She returned to the US supposed to be to train for the World Championship. She called me and cried as he narrated that PSI president Lani Velasco told her she was out of the National Team off for the Budapest meet. Nagulat ako, anong nagyari? Gawa na ang line-up, tapos na ang deadline para sa nomination,” pahayag ni Doromal-Waller sa kanyang pagbisita sa TOPS kahapon  via Zoom.

“Hindi ako tinawagan dahil alam niya (Lani Velasco) na hindi ko ito iiwan, ipaglalaban ko ito. Pinaghirapan ito ni Chloe tapos aalisin nila sa line-up, para maipasok ang alaga nila na kahit hindi qualify okey lang dahil sunod-sunuran sa kanilaq,” aniya.

Ayon kay Doromal-Waller, nitong Mayo 29, naglabas na ng memorandum ang PSI kung saan inihayag ang pagkakapili ng apat na swimmers – Luke Gabbi, Jasmine Alkalhdi,  Miranda Renner at Chloe Isleta. Ang deadline sa submission ng nominations sa FINA ay nito pang Mayo 15.

“Actually, dito palang sa announcement ng PSI may mali na, nagtataka ako walang umimik dahil hindi dapat kasama sina Jasmine (Alkalhdi) at (Miranda Renner) kung ang pagbabasehan ay yung inilabas nilang criteria na top two men’s and top two women’s lang ang maipadadala sa World Championship’ sambit ni Doromal-Waller sa sports forum na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), at PAGCOR.

Base sa points system ng FINA, ang nangungunang tatlong Pinoy swimmers ay sina Luke Gebbie (843), Jonathan Cook (793), at Jerard Jacinto (757), habang sa women;s side ay sina Chloe Isleta (755), Desirae Mangaoang (739), at Jasmine Alkhaldi (722).

Sa PSI guideline, naka-attached ang ‘no nomination, no inclusion to the roster…and “no extension shall be granted!”  Swimmers with no nomination since they never swam a single FINA meet before the nomination deadline of May 3, 2022 are Jessica Geriane and Miranda Renner and yet sila ang isinasama sa team, ano ito lokohan,” sambit ni Doromal-Waller.

“Kawawa ang mga atleta sa ganitong sistema. Si Chloe nga since 2015 pa part ng National Team pero until now wala siya sa listahan na nabibigyan ng allowance from the PSC. Inireklamo kona ito, but the PSC told me dapat may endorsement coming from the PSI. And what PSI done? Wala, tapos aapihin pa ang anak ko na parang walang nagawang contribution sa swimming at sa bansa,” aniya.

Nitong 31st Southeast Asian Games sa Hanoi. Vietnam, naitala ng US-educated (Arizona U) na si Isleta ang kasaysayan nang ang kauna-unahang ginto para sa women’s swimming matapos ang 29 na taon nang pagwagihan ang 200-m backstrome sa tyempong 2:18.60.

Sa unang pagsabak sa SEAG nitong 2019 sa Manila, hataw si Isleta sa nakamit na dalawang silver medal, at isang bronze medal, tampok ang bagong Philippine National record sa 400 Medley Relay.

“We’re still waiting sa opisyal na memo ng PSI regarding this. But ngayon pa lang ipaglalaban ko ito. Maybe I will talk with the Philippine Olympic Committee, the PSC and the Atheletes Commission. Hindi lang sports ang nasisira ng ganitong sistema, kundi ang puso at kumpiyansa ng mga local at deserving swimmers,” ayon kay Doromal-Waller.RICO NAVARRO