Sistema ng transportasyon babaguhin sa ilalim ng Marcos admin

Sistema ng transportasyon babaguhin sa ilalim ng Marcos admin

July 1, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ang sistema ng transportasyon ng Pilipinas ay babaguhin at itataas sa pandaigdigang pamantayan habang ang Department of Transportation (DOTr) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ay tututuon ang mga pagsisikap nito sa paglipat ng mga pasahero at kalakal,sinabi ng bagong Kalihim na si Jaime Bautista ngayong Biyernes

Sa turnover ng DOTr sa pamumuno sa DOTr Clark Offices sa Pampanga, sinabi ni Secretary Bautista na ang bagong likhang DOTr administration ay titiyakin na makapagbibigay ng “accessible, affordable, comfortable, and safe transport service sa buong bansa” sa pamamagitan ng paggamit ng mga sistema ng transportasyon ng bansa.

“As discussed during my initial meeting with President Bongbong, we will transform the Philippine transport industry and elevate it to global standards,” sabi ng bagong kalihim.

“We should focus our efforts at moving passengers and goods that use our roads, airports, seaports, and railways,” dagdag niya.

Nangako rin si Bautista na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build Program ng nagdaang administrasyon.

“I would like to assure Secretary Art [Tugade] that we will seriously consider continuing the various programs implemented under [former] President Duterte’s Build, Build, Build Initiative,” ani Bautista

“We do not need to reinvent the wheel. These big-ticket projects truly deserve continuity to struck the maximum benefits for the Filipino people,” sabi pa niya.

Sa matagumpay na pagganap ng kanyang tungkulin bilang pinuno ng DOTr, humingi ng tulong si Bautista sa lahat ng opisyal at empleyado ng DOTr sa pagtugon sa iba’t ibang isyu tungkol sa sektor ng transportasyon.

“As a newcomer to this office, I anticipate the usual hesitation to any changes in the way you do things. I promise to listen to your suggestions. I have always been a good listener,” pahayag ng kalihim sa mga DOTr officials at employees.

“I will not pretend to have all the solutions. With many daunting tasks ahead of us, I ask for your help in making this administration succeed in solving the seemingly insurmountable transport concerns of Filipinos,” dagdag pa ng kalihim

Bagama’t pinarangalan na maupo sa pinakamataas na posisyon ng DOTr, sinabi ni Bautista na masigasig siyang gumawa ng pagbabago sa ahensya.

“We will surely be under scrutiny if we can deliver. My confidence is derived from my own experience at overcoming far pernicious issues that allowed us to sharpen our perspective at attacking contentious problems,” anang bagong DoTr secretary. Jocelyn Tabangcura-Domenden