Sitwasyon ng mga Pinoy sa Tsina, maayos sa kabilang ng COVID-sirit – PH ambassador

Sitwasyon ng mga Pinoy sa Tsina, maayos sa kabilang ng COVID-sirit – PH ambassador

January 8, 2023 @ 11:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanatiling “stable” ang sitwasyon ng mga Pilipino sa China sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon, ayon kay Philippine Ambassador to Beijing Jaime FlorCruz nitong Sabado.

Inihayag ni FlorCruz na walang natatanggap na ulat ng mga Pilipinong nasasapul ng matinding impeksyon.

“Marami po sa kanila ay bumabalik na sa kanilang trabaho. Iyong mga taga-Shanghai, ang balita ko po ay okay naman, although maraming nagkasakit pero naka-recover na po,” aniya.

Sa pagpapatupad ng mas mahigpit na mga border curbs, binigyang-diin ng ambassador ang kahalagahan ng pag-iwas sa panganib nang walang diskriminasyon.

Nauna nang sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi na kailangan pang maghigpit sa mga biyaherong manggagaling sa China.

Inatasan ng DOH ang mga unit nito na pairalin ang “heightened surveillance,” partikular sa mga biyahero na darating mula sa China sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa East Asia.

Nakararanas ang China ng pagtaas ng mga impeksyon matapos ang pagluluwag sa ilang taong paghihigpit sa COVID noong Disyembre.

Batay sa mga umiiral na protocol, ang mga dayuhang manlalakbay na hindi pa ganap na nabakunahan laban sa COVID-19 ay kinakailangang magpakita ng negatibong pre-departure antigen o resulta ng RT-PCR test bago bumiyahe o pagdating sa Pilipinas.

Sinabi ng DOH na ang mga hindi makapagpakita ng negatibong resulta ng test ay sinusuri pagdating sa paliparan. RNT/SA