Sitwasyon ng Pinoys sa malawakang baha sa Pakistan ‘di pa matukoy-embahada

Sitwasyon ng Pinoys sa malawakang baha sa Pakistan ‘di pa matukoy-embahada

August 29, 2022 @ 7:11 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hanggang sa ngayon ay wala pa ring naiuulat na mga Pilipino na naapektuhan ng “monsoon flooding” sa Pakistan.

“As of 27 August, no reports of affected Filipinos from Sindh and Punjab,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng Philippine Embassy sa Islamabad.

Tinukoy ang mga lugar na Sindh at Balochistan bilang “most affected areas” ng nasabing pagbaha na kumitil na sa 1,000 indibidwal at nakaapekto sa higit 30 milyong katao.

“The embassy is still waiting for response from the Filcom (Filipino community) leader in Balochistan on their situation,” anito.

Sa ulat, mahigit 1,000 na ang naitalang namatay dahil sa monsoon flooding sa Pakistan mula nang maranasan ito noong buwan ng Hunyo.

Ayon sa National Disaster Management Authority (NDMA) ng naturang bansa, sa ngayon ay nasa 1,033 na ang kabuuang bilang ng mga namatay.

Ang annual monsoon na nararanasan sa naturang bansa ay malaking tulong sa pagpapatubig sa mga pananim at para magkaroon ng tubig ang mga lawa at mga dam pero malaki rin itong perwisyo dahil sa mga pagbaha. RNT