Sitwasyon sa Pinas balik-normal sa Disyembre



Sitwasyon sa Pinas balik-normal sa Disyembre

July 31, 2020 @ 9:29 AM 11 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na posibleng sa Disyembre ay balik na sa normal ang sitwasyon sa bansa.

Ito’y dahil na rin aniya sa mayroon ng vaccine na maaaring magamit ngunit kailangan lang dumaan pa sa ilang proseso bago maipamigay.

“By december normal na. Wala na ang new normal, new normal,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address.

May ilang brand na binanggit ang Pangulo na dalawa hanggang tatlo ay pawang mula sa China.

Libre aniyang ipagkakaloob ito ng Pangulo sa mga Pilipino na pinakiusapan niyang magtiis-tiis pa ng kaunti at tiyak aniyang sa buwan ng Disyembre ay magiging normal na ang lahat at hindi new normal.

Unang bibigyan ng Pangulo ang mga cabinet officials at mga pulis.

Ang mga mayaman aniya ay hindi niya iniisip na bigyan ng libreng vaccine.

Nag-joke naman ito na kung bibigyan ng injectionan ang mga kaaway niya ay sasabihin niya na dagdagan ng “kagaw” o germs.

“Tiis tiis lang kayo.. nandyan na. made the vaccine. Sila ang mauna. Ung mga upper income.. bumili na lang kayo. By december tapos to lahat. As fast.. Sino bigyan ko ng trabaho dyan.. nandito na ang bakuna,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin ng Pangulo na hindi niya ipadadaan sa barangay officials ang pagbabakuna.

Ang military aniya magdadala at magtuturok ng vaccine.

“Implementing arm military. Punta kayo ospital may mga military dun.. mga police.. Ayaw ko ng magka atraso.. nagka atraso nagkamali.. kulong talaga.. military tusok sa ‘yo,” lahad ng Pangulo.

Muli na naman siyang nagbiro na gamitan ng “bayoneta” ang kanyang mga kalaban lalo na sa mga drug pusher at drug lord.

“‘Yon ang utos ko. Hindi maganda. Hindi talaga maganda.. drug pusher drug lord.. tingin ko aso. Sinisira nyo pilipinas.. mga tao,” diing pahayag ng Pangulo.

Samantala, wala talaga siyang plano kahapon dahil kahapon lamang aniya dumating ang balita sa vaccine. RNT/Kris Jose


  •  
  •  
  •