Sixers nakadalawa sa Raptors

Sixers nakadalawa sa Raptors

April 19, 2022 @ 7:47 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Umusad na sa dalawang panalo ang Philadelphia Sixers matapos na itumbang muli ang Toronto Raptors, 112-97, sa Game 2 ng first round ng NBA playoffs.

Dinomina ng Sixers big man at MVP finalist na si Joel Embiid ang laro nang kumamada ng 31 points at 11 rebounds.

Umabot pa sa 27 points ang lamang ng Sixers na tinangkang habulin ng Raptors pero kinapos sa huli.

Sa panalo, muling nagpakitang gilas si Tyrese Maxey nang magtala ng 23 points, nine rebounds at eight assists.

Umambag din sa panalo sina Tobias Harris gamit ang 20 points at 10 rebounds at si James Harden ay nagtapos sa 14.

Nasayang naman ang diskarte nina OG Anunoby na may 26 points, habang sina Pascal Siakam at Fred VanVleet ay merong tig-20 puntos.

Gagawin ang Game 3 sa homecourt ng Toronto sa darating na Huwebes para tangkaing makaisa ng panalo.JC