Sizzling resto, nilimas ng kawatan

Sizzling resto, nilimas ng kawatan

July 5, 2018 @ 4:08 PM 5 years ago


Quezon City – Nilimas ng armadong kalalakihan na pawang sakay ng motorsiklo ang isang sizzling restaurant matapos holdapin ang mga kostumer nito at benta ng kainan sa Quezon City kagabi Hulyo 4, 2018 (Miyerkules).

Sa inisyal na ulat sa Quezon City Police District (QCPD), pinasok ng mga holdaper na sakay ng tatlong motorsiklo ang Sizzling House na matatagpuan sa Barangay Ramon Magsaysay sa naturang lungsod pasado alas-10:00 ng gabi.

Isa sa nakasakay sa motorsiklo ang nagsilbing look-out habang ang mga nakaangkas ang mabilis na pumasok sa nasabing restaurant at nagdeklara ng holdap, saka mabilis na pinagkukuha ang cellphones ng mga kostumer na kumakain sa loob at labas, maging ang P6,000 cash na benta ng Sizzling House.

Ayon sa salaysay ng isang nagpakilalang Chris, waitress sa Sizzling House, dahil sa takot nila ay wala silang nagawa at ang mga kostumer nila kaya dumapa na lamang sa takot na paputukan sila ng mga baril na hawak ng mga holdaper.

Matapos na malimas ang mga cellphone at nabanggit na halaga ay mabilis tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na tumagal lamang ang panghoholdap ng 45 segundo.

Nagsasagawa na ng follow-up ang mga tauhan ng QC police para madakip ang mga suspek. (Santi Celario)