SK, 13 iba pa nakalawit sa iligal na tupada

SK, 13 iba pa nakalawit sa iligal na tupada

January 24, 2022 @ 12:17 PM 8 months ago


CAGAYAN VALLEY-Arestado ang 14 sabungero kabilang ang Sangginiang Kabataan o SK Kagawad sa ikinasang pagsalakay ng mga otoridad sa illegal na tupadahan sa Bgy Manibaug, Porac, Pampanga.

Kinilalang si Margarita Tajale, SK Kagawad ng Barangay Malabanias, Angeles City.

Narekober sa naturang pagsalakay ang bet money na nagkakahalaga ng mahigit 8 thousand pesos, mga tari pati na patay na manok panabong.

Naisakatuparan ang pagsalakay matapos na magsumbong ang ilang concerned citizen sa walang humpay na illegal gambling o tupada.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling at paglabag sa RA 11332 ang 14 na katao kabilang ang SK Kagawad. Rey Velasco