SK chair nawawala sa Isabela

SK chair nawawala sa Isabela

July 12, 2022 @ 9:44 AM 1 month ago


CAUAYAN CITY, ISABELA-Palaisipan sa mga kamag-anak ng isa na naman Sangguniang Kabataan o SK Chairman ang nawawala dito sa lungsod ng Cauayan.

Hanggang sa ngayon ay patuloy paring pinaghahanap ang nawawalang SK Chairman na si Jimmy Dalere, nasa tamang edad ng Barangay San Francisco sa nasabing lunsod.

Ayon kay Joyce Dalere Sambu, kapatid ng nawawalang SK, July 8 umano ng gabi nang ihatid ni Jimmy ang kanyang asawa sa Minante sakay ang kaniyang puting kotse.

Pagkatapos nito ay nagtext pa raw ang SK sa kanyang asawa bandang alas dyes ng gabi na pupunta ito sa lunsod ng Tuguegarao para mag-report subalit hindi nito nabanggit pa kung saan at kung ano ang dahilan.

Nagpadala pa umano ito ng text message sa kaniyang asawa na nagsasabing nakarating na ito sa naturang lugar at nagpaalam na matutulog na.

Simula noon ay hindi na raw ma-contact si SK Dalere hanggang sa kasalukuyan kayat labis na ang pag-aalala ng kaniyang pamilya.

Wala naman daw naiku-kwentong problema ang SK sa kanyang magulang maging sa kanyang kapwa opisyales ng Barangay.

Subalit ayon pa sa salaysay ng kanyang kapatid, kapansin-pansin umano nitong mga nagdaang araw sa mga kilos ng kanyang kapatid na lagi itong aligaga dahil sa personal na dahilan.

Samantala, ilan katao na ang nawawala at dinukot dito sa lalawigan ng Isabela pagkatapos ay matatagpuan nalang na wala ng buhay. Rey Velasco