SK councilor huli sa droga sa Occidental Mindoro

SK councilor huli sa droga sa Occidental Mindoro

January 23, 2022 @ 10:51 AM 8 months ago


OCCIDENTAL Mindoro – Inaresto ng kapulisan ang isang Sangguniang Kabataan (Youth Council) councilor sa drug buy-bust operation sa San Jose, Occidental Mindoro, ayon sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) regional police.

Kinilala ang suspek na si Dexter dela Cruz, 23 at ikinokonsiderang high-value individual sa droga ng pulisya.

Sa ulat, naaresto si dela Cruz nang mahulihan na nagbebenta ng sachet ng hinihinlang shabu na may bigat na 0.12 gramo sa pulis na poseur buyer sa halagang P1,000 sa Barangay  5 kung saan SK councilor ang suspek.

Nakumpiska rin sa suspek ang tatlong sachet ng shabu na may bigat na 0.63 gramo na may halagang P4,284.

Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT