SK fund ginasta ni Cardema pang-redtag – Kabataan party-list

SK fund ginasta ni Cardema pang-redtag – Kabataan party-list

June 16, 2022 @ 3:41 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuna ng Kabataan Partylist ang ginawang paggasta ni National Youth Commission (NYC) Chairman Ronald Cardena sa Sagguniang Kabataan (SK) training funds ng ahensya na inilaan umano para sa red-tagging at counterinsurgency.

Ang pagbabatikos ay ginawa ni Kabataan partylist representative-Elect Raoul Manuel batay sa ipinalabas na report ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing nasa P651,999.72 SK funds ng NYC ang ginasta sa ilang aktibidad ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Nakakahiya sa SK officials sa bansa na sinisingil pa ng libu-libong piso para sa online trainings ng NYC habang marami naman palang pera na hindi ginagamit nang maayos,” ani Manuel.

Sinabi ni Manuel na dapat panagutin si Cardena sa ginawa nitong maling paggasta sa pondo ng gobyerno.

Umaasa ang Kabataan Partylist na hindi kokonsintihin ni incoming President Bongbong Marcos si Cardena kahit pa man inaanak nya ito sa kasal.

Nanawagan ang grupo na imbestigahan ang anomalya sa NYC na nadiskubre ng COA at irefund ang ginasta sa NTF-ELCAC, nanawagan din si Manuel sa tuluyan nang oagbuwag sa NTF-ELCAC na gumagamit ng pondo ng ibang ahensya para sa red tagging nito. Gail Mendoza