SK kagawad at kasama timbog sa buy bust

SK kagawad at kasama timbog sa buy bust

July 14, 2018 @ 2:37 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Binitbit ng mga operatiba Manila Police District ang isang Sangguniang Kabataan (SK) kagawad at kaniyang kasama, matapos ang buy bust operation sa Tondo, Manila.

Nakilala ang mga suspek na sina Renato Garcia, 23-anyos, SK Kagawad, ng 1065 Batangas St., at si Danilo Filler, 49-anyos, driver, ng  1097 F. Yuseco St, Tondo.

Base sa ulat na isinumite ni  PO1 Reyna Joy Ofalsa, kay Supt. Jerry Corpuz, Station Commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-6:25 ng gabi, nitong Biyernes nang ikasa umano ang buy bust ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Batangas St sa Tondo.

Nakabili umano ng P200 halaga ng hinihinalang shabu, kaya mabilis na binitbit ang dalawa.

Nakumpiska ang tatlong plastic sachet ng shabu na may timbang na .40 gramo, at may street value sa halagang P600.

Dahil dito, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rene Crisostomo)