SK konsi tinumba sa Calbayog

SK konsi tinumba sa Calbayog

February 9, 2022 @ 8:40 AM 8 months ago


TACLOBAN CITY — Isang Sangguniang Kabataan (SK) councilor mula sa Calbayog City sa lalawigan ng Samar ang binaril ng hindi pa nakikilalang salarin dakong alas-4 ng madaling araw nitong Martes, Pebrero 8.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ibabang kaliwang dibdib at kanang pisngi si Gerald Casaljay, 25, at residente ng P-6 Barangay Migara.

Nakatakas naman ang kasama niyang si Brandel Yrigon.

Batay sa inisyal na ulat ng Calbayog City police, pauwi na sana ang biktima matapos dumalo sa pagdiriwang ng fiesta sa Barangay Osmeña nang lapitan ng nag-iisang salarin at pagbabarilin.

Base sa testimonya ng ilang testigo, naka-jacket na may hood ang salarin.

Ang mga imbestigador ng pulisya ay nagsasagawa ng pagsisiyasat upang matukoy ang salarin at ang motibo sa likod ng pagpatay. RNT