Skilled workers sa Navotas dumami pa

Skilled workers sa Navotas dumami pa

August 5, 2022 @ 7:09 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Dumami pa ang bilang ng skilled workers sa lokal na pamahalaang lungsod ng Navotas makaraan ang virtual graduation ng 198 technical at vocational trainees ng Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute nito lamang Biyernes

Dito, 12 ang nakatapos at tumanggap ng national certification (NC) II para sab Shielded Metal Arc Welding; 10, Dressmaking; 13, Housekeeping; 16, Massage Therapy; at 13, Hairdressing.

15 trainees ang natapos ng Bread and Pastry Production NC II, at 16 ang nakapagtapos ng Barista at Food and Beverages NC II.

Karagdagang 25 trainees naman ang nakakumpleto ng Japanese Language and Culture II samantalang 50 ang nakapagtapos ng Basic Korean Language and Culture, at 12 ang nakapasa sa Korean Language and Culture II (KOICA).

Hinimok naman ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga nagsipagtapos na ipagpatuloy ang kaalaman at maghanapbuhay hanggang tuluyang magtagumpay para sa kinabukasan.

“Seize the opportunity to learn. Our training centers offer various free courses. Enroll and equip yourselves with the right skills to pursue your dream career,” ani Tiangco.

“Maraming oportunidad na trabaho ang nakalaan sa mga Navoteños sa sandaling simulan ang Tanza Airport Support Services,” paliwanag ng alkalde.

“Make sure you are learning the necessary skills and proficiencies to qualify for the jobs that will soon be offered,” dagdag ni Tiangco.

Ang Navotas ay may apat na training centers para sa mga Navoteño maging sa non-Navoteño trainees. Libre sa mga residente samantalang ang hindi residente ng lungsod ay maaaring mag enroll at sumailalim sa pagsusulit, depende sa kursong kukunin. R.A Marquez