Skusta, binastos habang nagpe-perform!

Skusta, binastos habang nagpe-perform!

June 15, 2022 @ 11:10 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa halip na masaya at hype na audience, iba ang sumalubong kay Skusta Clee as he performed sa Clark Aurora Festival 2022.

Mura at boo ang inabot ng rapper/singer-songwriter habang kumakanta ito. May mga sumisigaw rin ng “cheater” dahil sa napabalitang pagloloko nitong muli kay Zeinab Harake na dahilan ng paghihiwalay na naman nila.

Lalong nag-init ang ulo ng mga dumalo sa nasabing festival nang palitan nito ang lyrics ng Zebianna from, “Ikaw pa rin ang baby ko, ang baby ko kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko,” to “Sayang ‘di na ikaw ang baby ko, ang baby ko dahil wala ka na sa piling ko, sa piling ko”.

Matatandaang ang nabanggit na kanta ay ginawa niya for Zeinab na nagsasabing kahit naghiwalay na sila ay mahal niya pa rin ito.

Pero things has changed dahil this time, yes it’s for Zeinab pa rin pero ang pinapaabot ng kanta ay hindi na ang vlogger ang “baby” nito.

Inulan man ng batikos, may ilan pa rin namang sumabay sa kanta ni Skusta. “Solid fans and supporters no matter what,” komento ng ilang netizens. Paula Jonabelle Ignacio