Skusta, may bagong tsiks, na-bash!

Skusta, may bagong tsiks, na-bash!

December 14, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Wala pang dalawang araw matapos mag-live sa FB ni Skusta Clee at humingi ng tawad sa ex partner na si Zeinab Harake, nagbida na naman ito ng panibagong babae.

Ibinalandra lang naman ng rapper sa kanyang Instagram story ang sweet photo nila ng Vivamax sexy actress na si Ava Mendez.

Makikita sa larawan na nakahalik si Skusta sa pisngi ng aktres.

“Baliw. Walang balls.”

“Sabog lang? Kakasabi mo lang na mahal mo pa si Zeinab ah.”

‘Yan ang ilan sa comments na tumambad sa social media accounts ni Skusta dahil sa nasabing sweet IG story nito with Ava.

Matatandaang sinabi nito na mahal pa niya si Zeinab at hindi mawawala ang pagmamahal niya dito kaya litong-lito ngayon ang netizens.

Ano nga ba talaga, Skusta? Hmmm. Paula Jonabelle Ignacio