Skydiving Tom Cruise, aabangan sa “Mission: Impossible” movie

Skydiving Tom Cruise, aabangan sa “Mission: Impossible” movie

July 12, 2018 @ 10:43 AM 4 years ago


 

Paris, France – Asahang makita na mag-skydiving si Tom Cruise sa pagbibidahan nitong pelikulang “Mission: Impossible” franchise kasama ang co-star na si Simon Pegg na ipinangakong ang movie ay punong puno ng aksyon.

Makikita raw sa “Mission: Impossible -Fallout” si Cruise- kilalang gumagawa ng sariling stunts- na tatalon mula sa isang military transport plane sa taas na 25,000 feet, magpapalipad ng helicopter sa makikitid na bundok at makipag-race gamit ang motorbike na walang suot helmet habang papalapit sa traffic round sa Paris’ Arc de Triomphe.

“It just ups the bar so far, it’s a crazy kind of evolution. Any one of the stunt sequences in this movie would do a film proud as its climax, and they’re just all the way through,” sabi ni Pegg.

Babalik si Pegg bilang nerdy sidekick ng karakter ni Cruise na si Ethan Hunt, ngunit sinabi rin ni Pegg na hindi raw niya planong makipagpalit ng puwesto sa Hollywood star.

“I’m happy to be the one on the ground operating the computer. I get to be part of it but I don’t have to risk my life,” sabi ni Pegg sa panayam.

Matatandaan na ang huling movie franchise ng pelikula noong 2015 na “Mission: Impossible – Rogue Nation” ay kumita ng $682 million sa global box office.

Namangha naman si Henry Cavill, gaganap bilang CIA-paid hitman sa pelikula.

“When you’re seeing a guy who’s learned how to fly a helicopter and then do stunts in a helicopter, and not only stunts in a helicopter but stunts in a helicopter in the mountains, it’s something else,” sabi ni Cavill kay Cruise.

Ang “Mission: Impossible – Fallout” ay mapapanuod sa mga sinehan sa July 25. (Remate News Team)