Skyway Stage 3 ‘di na libre sa Hulyo 12

Skyway Stage 3 ‘di na libre sa Hulyo 12

July 6, 2021 @ 7:30 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Magpi-pitong buwan matapos buksan ang 18-kilometrong Skyway Stage 3 project nang libre, inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) na magsisimula na silang maningil ng toll sa Hulyo 12.

Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon S. Ang, ang nirebisang toll matrix, na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB), ay mas mababa kaysa sa toll mula sa orihinal nitong proposal.

Ipapaskil ang pinal na toll rates sa mga toll plaza bago magsimula ang paniningil.

“We thank the TRB for helping us determine the most equitable toll rates for our motorists.  We know from experience that times are hard for many, and even a little relief for motorists can go a long way,” ani Ang.

“These toll rates reflect our deferral of the collection of a substantial amount of the cost to build Skyway 3. We also further lowered the rates for those traveling shorter distances,” dagdag niya.

Tiniyak naman ni Ang na ang makokolekta nilang kita mula sa toll ay gagamitin ng kompanya para maipagpatuloy ang mahusay nitong operasyon, maintenance at ligtas pagmamaneho sa Skyway 3. RNT