Slaughter pumirma na rin sa Japan B-League; nilayasan ang PBA

Slaughter pumirma na rin sa Japan B-League; nilayasan ang PBA

July 9, 2022 @ 2:32 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang nilisan ni Greg Slaughter ang PBA upang maglaro sa Japan matapos pumirma ng kontrata sa Japan B.League second division team na Rizing Zephyr Fukuoka.

Ginawa ng koponan ang anunsyo ngayong  noong Sabado.

Huling naglaro si Slaughter para sa NorthPort Batang Pier, kung saan naglaro ito ng apat ng laro lamang noong 2021 Governors’ Cup at nag-post ng mga average na 14.3 puntos, 9.3 rebounds, at 1.3 blocks.

Sumali siya sa Fukuoka team na nagtapos na may 20-30 record noong nakaraang season.

“Talagang nasasabik akong maglaro para sa dakilang lungsod ng Fukuoka at sa mga tagahanga! Salamat sa lahat ng suporta at hindi ako makapaghintay na makita kayong lahat!,” ani Slaughter sa isang pahayag.

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Slaughter at kanyang koponan na Batang Pier kaugnay sa kanyang kontrata nang sabihin na hindi siya nakipag-ugnayan sa kanyang koponan kasunod ng pag-expire ng kanyang kontrata noong Enero 31.

Pinagtatalunan ng NorthPort ang claim at sinabing nag-alok ito sa dating No. 1 na pumili ng maximum deal, ngunit ang Ateneo center ay gumanti at sinabing ito ay “hindi man lang malapit” sa unang ibinayad sa kanya ng Batang Pier.

Sa Japan, nakatakdang harapin ni Slaughter ang kapwa Pinoy na sina Kobe Paras (Altiri Chiba) at Jordan Heading (Nagasaki Velca) sa second division ng B.League.RICO NAVARRO