‘SLMT’ ng SB19, inilunsad  na!

‘SLMT’ ng SB19, inilunsad  na!

January 1, 2022 @ 8:05 AM 3 weeks ago


Quezon City, Philippines – Inilunsad na ng Pinoy supergroup SB19 ang official music video ng  latest song nilang “SLMT” na bahagi rin ng bagong lunsad na  official soundtrack  ng “Love At First Stream,” isa sa walong entries sa ongoing na Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ini-release ang music video ng “SLMT” bago pumasok ang 2022 at umani ito ng 20,000 views dalawang oras pa lang pagka-release ng music video.

Nu’ng mga unang linggo ng Disyembre, ini-release ng ABS-CBN Star Music ang lyric video ng SB19’s “No Stopping You” ng grupo na naging napakasigla ng 2021.

“SB19 is going to keep that fire burning,” pagbabando ng Star Music sa isang social media post na nagtatampok ng litrato ng SB9 sa loob ng isang recording studio.

Ang collaboration ng Star Music at Star Cinema sa SB19 ay umani ng masigabong tagumpay para sa P-pop boyband na nagdaos ng tatlong concerts nu’ng 2021, bukod pa sa dose-dosenang live performances at sa mga nominasyon nila sa  Billboard at MTV Europe music awards.

Nitong nakaraang linggo lang, ang kantang “Bazinga” ng SB19 ay tumuntong sa number 1 sa Billboard’s weekly Hot Trending Songs chart ng Billboard. Napatalsik nila ang “Butter” ng K-pop superstars na  BTS ng South Korea.

Inanunsyo ng Billboard website na “SB19 jumped from No. 8 to the first place after getting 1.5 million Twitter mentions, up by 67%, in the tracking week, which ran from November 26 through December 2.

Bumaba ang rank ng Bazinga pagkatapos nu’n pero nu’ng linggo, nagsimula na  uling umakyat sa number 1 ang nasabing kanta.

Ang SB19 na ang nangungunang boyband sa Pilipinas bagama’t ‘di naman maitatanggi na sikat na sikat na rin sila sa Asia at sa iba pang bahagi ng mundo. Danny Vibas