Slovaks, nagrally para sa Pinoy na ginulpi

Slovaks, nagrally para sa Pinoy na ginulpi

June 10, 2018 @ 9:21 AM 4 years ago


Bratislava, Slovakia – Nagsagawa ng isang memorial rally para sa Pinoy na ginulpi ng isang lalaki na pinaniniwalang neo-Nazi noong Biyernes sa Bratislava, Slovakia.

Kinilala ang Pinoy na si Henry Acorda, 36 years old na pinaslang sa kapitolyo ng Slovakia noong Mayo 26 ni Juraj Hossu, 28 years old.

Ayon sa tala, 3,000 protestante ang sumali sa memorial rally na nag-alay ng bulaklak at nagsindi ng mga kandila kung saan naganap ang insidente habang ang iba naman ay bitbit ang mga banner na may nakasulat na “Justice for Henry” at “Nazi brain burn in Hell”.

Nakita sa security footage na inilabas ng media ang paulit-ulit na pagpalo sa ulo ng Pinoy at kalaunan ay kinuhanan pa ng litrato ng suspek habang siya ay nakahandusay sa kalye.

Samantala, itinatanggi pa rin ni Juraj ang krimen at sinabing, “Will be sorry for what happened for the rest of my life. But I don’t remember anything.”

Sa oras na mapatunayang guilty ang suspek, siya ay haharap sa kasong manslaughter at makukulong ng halos 12 na taon.

Tumanggi naman ang mga pulis na kumpirmahin kung ang insidente ay racial motivated. (Remate News Team)