‘Slow uptick’ sa NCR COVID-19 cases naobserbahan ng OCTA

‘Slow uptick’ sa NCR COVID-19 cases naobserbahan ng OCTA

September 11, 2022 @ 4:30 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Naobserbahan sa National Capital Region (NCR) ang slow uptick sa COVID-19 infections, na makikita sa pagtaas sa reproduction number at positivity rate, ayon sa independent monitoring group OCTA Research nitong Linggo.

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na ang seven-day COVID-19 positivity rate ng NCR ay tumaas mula sa 12.1% noong Setyembre 2, sa 13.3% nitong Setyembre 9.

Tumutukoy ang positivity rate sa bilang ng mga indibidwal na nagpopositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga na-test.

Tumaas din ang reproduction number o ang bilang ng mga nahahawa mula sa isang kaso, sa NCR,  mula 0.93 noong Agosto 31 sa 1.11 nitong Setyembre 7.

“The reproduction number has increased to greater than 1, which means infections are increasing,” pahayag ni David.

Ang one-week growth rate sa rehiyon, mula Setyembre 3 hanggang 10, ay nasa 6%. Malaki ang lamang nito mula sa -17% na naitala mula Agosto 27 hanggang Setyembre 3.

“NCR is having a slow uptick in COVID cases.  [But this is expected] given the increased mobility of the population,” sabi ni David.

Sa kabila nito, ang average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay itinuturing na “low” sa 5.58 per 100,000 population, kahit na bahagya rin itong tumaas.

Nananatili ring mababa ang COVID-19 hospital bed at intensive care unit occupancies sa NCR sa 34.5% at 28.9%.

Nagpaalala naman si David savulnerable sector, partikular na sa senior citizens at sa mga may comorbidities, na mag-ingat sa coronavirus disease.

Nakapagtala ang Pilipinas nitong Sabado ang 3,165 bagong COVID-19 cases, dahilan para umakyat sa 26,074 ang mga aktibong kaso. RNT/SA