SLP-Philippine Team panauhin sa TOPS Usapang Sports

SLP-Philippine Team panauhin sa TOPS Usapang Sports

September 28, 2022 @ 2:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mabibigyan ng pagkakataon ang mga piling batang swimmers ng Swimming League Philippines (SLP) na mailahad ang kanilang mga damdamin at kasabikan sa nalalapit na pagsabak sa international competition sa kanilang pagdalo ngayon sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports bukas  (Huwebes-Setyembre 29) sa Behrouz Restaurantm 50 Sct. Tobias, Timog, Quezon City.

Binubuo ng 13 atleta, kabilang ang apat na babae mula sa iba’t ibang swimming club na affliated ng SLP, sasabak ang koponan sa Hamilton Aquatics Short Course sa Dubai, United Arab Emirates sa Oktubre 22-23.

Kabilang sa SLP-Philippine Team na makikipagtagisan ng husay laban sa locals at foreign squad sa Hamada Swimming Center sina Julia Ysabelle Basa, 15, at Behrouz Mohammad Mojdeh, 11, ng Paranaque Swim squad; gayundin sina Kathryn Leigh P. Kier, 10; Hanna Mikaela P. Lim, 13, Patricia Celine A. De Chavez, 17.

Kasama rin sina Kristian Yugo Cabana, 12; Louis Andrei P. Lim 12; Charles Matthew J. De Luna, 13; Lyyld Wynn O. Robles, 14; Davidmorvyn L. Gillego, 12 ; Master Charles S. Janda, 13; Andrea Kenjie Samontanes, 13; at Jarold Kesley R. Camique, 14.

Gagabayan sila ng mga opisyal na sina Team Manager Leticia S. Basa; Assistant Coach:Christine Keith De Luna at Head Coach Bryan Estipona sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), Pagcor at Behrouz Restaurant.

Inaanyayahan ni Beth Repizo ang mga miyembro, opisyal at apisyunado sa sports na makiisa sa talakayan ganap na 10:30 ng umaga at mapapanood via livestreaming sa opisyal na FB page TOPS Usapang Sports at sa Channel 45 ng PiKO (Pinoy Ako) – ang pinakabagong mobile apps sa bansa.RICO NAVARRO