SLU, UC, Baguio Central panalo sa Panagbenga street-dancing

SLU, UC, Baguio Central panalo sa Panagbenga street-dancing

February 26, 2023 @ 1:00 PM 1 month ago


BAGUIO CITY – Panalo ang mga street dancer ng Saint Louis University Center for Culture and the Arts sa ikatlong pagkakataon, sa open category ng
grand street-dancing parade ng 2023 Panagbenga Festival nitong Sabado, Pebrero 26.

Kabilang din sa mga namayagpag ay ang Saeng Ya Kasay Cultural Ensemble ng University of the Cordilleras na naguna naman sa cultural category at Baguio Central Elementary sa drum and lyre category.

Mayroong 32 participants ang lumahok sa tatlong kategorya sa annual contest na sinaksihan ng libo-libong mga turista sa Session at Harrison Road, Baguio City. RNT/JGC