Smart bra, pang protekta laban sa mga manyak!

Smart bra, pang protekta laban sa mga manyak!

July 13, 2018 @ 2:23 PM 5 years ago


 

Nakagawa ang isang scientist mula sa Singapore ng prototype ng bra kung saan ito ay dinisenyo para tulungan ang mga babae na pigilan ang mga manyak na balak silang pagsamantalahan.

Ang smart bra na gawa ni Scott Fan ay mayroong dalawang set ng sensors na magde-detect ng biglaang pagtaas ng heart rate pati ng external pressure na matatanggap ng babae na may suot nito.

Aalertohin ng sensor ang mga estasyon ng pulis gamit ang signal kapag ang babae ay pinasasamantalahan. Maliban sa mga pulis, maari ring mag-send ang smart bra ng signal sa mga indibidwal na personal pipiliin ng babae.

Sapat lamang ang laki ng mga sensor dahilan para maging komportable ang sinomang magsusuot nito.

“I have seen a lot of IoT industrial applications, but there are none for personal care equipment,” sabi ni Fan sa isang ulat.

“There’s big market demand in this area, specifically in [the area of] women’s protection.”

Dagdag pa ni Fan, “When somebody grabs or pushes you, and there’s external force, the sudden surge in your heart rate will confirm an attack and an alarm will be sent out.”

Napakaliit naman ng posibilidaad na magsend ang smart bra ng false alarm. Paglilinaw pa ni Fan, mayroon ilang kondisyon na nagtri-trigger sa sensor.

“To trigger the alarm, there has to be very close body contact and force, like when somebody tries to hold you or force you into a position.”

Kasalukuyang pang nagsasagawa ng mga test si Fan sa kaniyang Smart bra prototype at umaasang mas mapaganda ang produkto nito.

“We are also looking for public feedback. We plan to launch it in Hong Kong and China, Southeast Asia, India and Africa, where there are more powerless women.” (Remate News Team)