Smart TV, ceiling fan ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

Smart TV, ceiling fan ipinamahagi sa mga paaralan sa Navotas

November 28, 2022 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Navotas ng 335 smart TVs at 169 ceiling fans sa 12 public elementary at high schools sa nabanggit na lungsod.

Nakatanggap din ang Navotas Schools Division Office ng tatlong smart TVs at bentilador para sa bagong natapos na Media Center at Conference Room.

“Our goal is to provide Navoteño students with the best learning environment,” ani Navotas City Mayor John Rey Tiangco.

“Students who feel comfortable and safe will be able to study harder and learn more.” dagdag pa ng alkalde.

Isang smart TV at dalawang ceiling fan ang inilaan sa bawat silid-aralan sa bagong itinayong apat na palapag na school buildings sa lungsod.

Samantala ang mga benepisyaryo ay ang Bangkulasi Elementary School, Kapitbahayan Elementary School, Navotas Central at Navotas 1 Elementary Schools, San Rafael Village Elementary School, San Roque Elementary School; Tangos Elementary School at Tangos 1 Elementary School.

Sa secondary schools naman ay napabilang ang Tanza National High School, San Rafael Tech-Voc High School, San Roque National High School at Tangos National High School.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, nakapagpatayo ang lungsod ng 11 bagong apat na palapag na school buildings.

Nito lamang nakalipas na buwan ng Setyembre ay sinimulan naman ng lungsod ang pagpapatayo ng siyam na karagdagang school buildings. R.A Marquez