Smartphone sa school, labag sa batas!

Smartphone sa school, labag sa batas!

August 1, 2018 @ 8:55 AM 5 years ago


 

 

Paris, France – Hindi na maaring magdala ng smartphones ang mga bata sa France sa simula ng bagong academic year sa September matapos maipasa ng mga mambabatas ang ban noong Lunes (July 30).

Ang ban sa smartphones, tablets at iba pang connected devices, ay para sa mga mag-aaral na nasa edad 14-15. Ito ay bilang pagbuo sa pangako ni centrist President Emmanuel Macron na sinabihan ng oposisyon na “cosmetic”

Inaprubahan ang bill ng LREM party ni Macron at mga kaalyado nito habang ang ibang mambabatas naman sa kaliwa’t kanan ay nag-abstain sa boto. Dahil dito, umani ang batas ng pambabatikos at tinawag itong “publicity stunt” na hindi makakapagbago ng kahit ano.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga eskwelahan ay maaring ma-exempt para sa “pedagogical use”, extra-curricular activities o para sa disabled pupils. 

Maari namang magdesisyon ang mga secondry school kung ipatutupad nito o hindi ang ban sa mga connected devices.

Isinumite na rin angbatas noong 2010 kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng smartphones tuwing oras ng klase. Remate News Team