SMB Coach Austria bumilib sa Gin Kings

SMB Coach Austria bumilib sa Gin Kings

August 4, 2018 @ 10:15 AM 4 years ago


PBA – Kahit natalo, bilib pa rin si San Miguel Beermen Coach Leo Austria sa naging laro ng Ginebra sa Game 4 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

“Second game, he told me na “nice bawi.” And then before this game he kept on telling me na we’re too good and too strong for them. It’s not true. He’s right before na his team is the only team—like what he’ve said before—the only team that could beat San Miguel and that’s very evident tonight,” komento ni Austria.

Dagdag pa ni Austria ay naging maganda rin ang laro sa 17-0 na iskor ng Ginebra sa simula ng game.

Aminado siyang medyo kabado siya dahil best-of-three ang laro pero pinaghirapan naman daw nila ang ensayo sa huling tatlong buwan.

Natapos ang game 4 sa iskor na 130-100.

Pinangunahan ni ‘Best Import’ Justin Brownlee ang pagkapanalo ng Gin Kings na may 37 points, 11 rebounds, 7 assists, 3 blocks at dalawang steals. (Remate News Team / Janelle Sicat)