SMB import ayaw umuwi

SMB import ayaw umuwi

December 13, 2021 @ 8:45 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Marahil ay nalaman ni SMB import  Brandon Brown na papalitan siya dahil sa masamang dalawang laro  nito na ipinakita sa Governors Cup.

Usap-usapan nga na hindi na ito ang dating Brown na naglaro sa Phoenix super LPG. Bumagal at bumigat di  umano ang katawan ng import.

Ito ang dahilan kung   bakit dalawang sunod nakalasap nang pagkatalo ang Beerman. Sa unang laro  tinalo ang SMB  ng NLEX Road Warriors, sinundan ito ng Alaska aces.

Mukhang ayaw pang umuwi ni Brandon Brown kaya sa laban nila ng NorthPort Batang

Pier ay nagpakita ito ng gilas kaya nanalo ang kampo ni coach Leo Austria sa NorthPort,  91-88.

Ang hinahanap na laro ng San Miguel sa kanya  ay nakita sa laro kontra Batang Pier. Si Brown ay nakagawa ng 24 points 12 rebounds at pitong assist.

Sa ipinakitang pagiging halimaw sa hardcourt ni Brando, ituloy pa kaya ng SMB management na palitan ang import. Baka naman nag-a-adjust pa lang si Brown sa mga nauna nitong laro.Dwayne Rituel