SMB, muling tinambakan ang Brgy. Ginebra, 2-1

SMB, muling tinambakan ang Brgy. Ginebra, 2-1

August 2, 2018 @ 8:55 AM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Muling tinambakan ng San Miguel Beer ang Barangay Ginebra sa score na 132-94 sa Game 3 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals, kahapon (August 1) sa Big Dome.

Binaliktad ng Beermen ang laban nang at pinangunahan ang laro bago mag-break, 53-51, sa pangunguna ni Chris Ross at Renaldo Balkman.

Matapos gumawa ng apat na 3-points sa opening half, dinagdagan pa ito ni Ross ng tatlo na siyang nagpalayo ng score sa GinKings.

Mas lalong pinalayo ng Beerman ang lamang nang pagharian ni Balkman ang dulo ng quarter na nagbigay ng 20-point lead para Beermen, 92-72.

Tinambakan ng Beermen ang GinKings ng mahigit sa 40 points sa fourth quarter na siyang sumiguro ng kanilang pagkapanalo.

“Well, I’m not expecting this to happen, ano. Because I think it’s kinda weird. First game, tinambakan kami, second game nakabawi kami, tambak. And this is another blowout, so this is a championship game. We’re expecting a close fight,” ayon kay head coach Leo Austria.

“But I have to give credit to these players of mine, because I can see it from them na they want really to win. And we started the game a little bit slow, but we picked up in the second half, especially in the third quarter. And everybody was so focused on our game plan,” dagdag pa niya.

Pinangunahan ng Import ng Beermen na si Renaldo Balkman ang laban sa puntos na 28 points, 13 sa third quarter, 11 rebounds at limang assist.

Samantalang, si Justin Brownlee muli ang nanguna sa GinKings sa score na 32 points sa Game 3.

Narito ang score sa Game 3:

San Miguel (132): Balkman 28, Ross 23, Fajardo 22, Lassiter 12, Standhardinger 12, Santos 11, Cabagnot 9, Nabong 6, Pessumal 5, Heruela 4, Lanete 0, Ganuelas-Rosser 0, de Ocampo 0, Agovida 0, Vigil 0

Ginebra (94): Brownlee 32, Caguioa 12, Slaughter 9, Devance 7, Mercado 7, Tenorio 5, Chan 5, Mariano 5, Ferrer 5, Aguilar 4, Thompson 3, Cruz 0, Caperal 0, Manuel 0

Quarterscores: 30-27, 53-51, 92-72, 132-94 Remate News Team