SMB naisahan ng Bay Area Dragons

SMB naisahan ng Bay Area Dragons

December 14, 2022 @ 8:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naisalpak ni Kobey Lam ang fastbreak lay-up sa nalalabing 7.1 segundo nang ihabol ng Bay Area ang 103-102 isang fastbreak laban sa San Miguel Beer kagabi sa Game One ng kanilang PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Philsports Arena.

Kinumpleto ni Lam ang fastbreak play kahit may tatlong humahabol na Beermen matapos sumablay si Jericho Cruz ng three-pointer para kumpletuhin ang paghabol ng bisitang dayuhang koponan mula sa 16-point deficit at palawigin ang winning streak nito sa anim na laro.

Hindi nakuha ni Devon Scott ang jumper sa huling possession ng SMB, na nagbigay-daan sa Dragons na kumuha ng 1-0 lead sa best-of-five semifinal playoff.

Naghabol ang Bay Area, 83-67, sa ikatlong quarter at napalapit ang kalamangan hanggang apat, 100-96,  matapos ang mga conversion mula kina CJ Perez at June Mar Fajardo.

Ngunit ninakaw ng Dragons ang laro sa likod ng 7-2 finishing kick.

Hindi nakuha ni Devon Scott ang jumper sa huling possession ng SMB, na nagbigay-daan sa Dragons na kumuha ng 1-0 lead sa best-of-five semifinal playoff.

Nagtapos si Andrew Nicholson na may 30 puntos at 15 rebounds, habang si Zhu Songwei ay nagbuhos ng 19 puntos bilang isa sa apat na Bay Area locals na umiskor ng double digits.

Ang Game Two ay nakatakda sa Biyernes, 5:45 p.m. sa Philsports Arena.

Umiskor si Perez ng 24 points, habang si Terrence Romeo ay may 21 points – 14 sa second para bigyan ang San Miguel ng 59-51 lead sa halftime para lang mawala ang 102-99 lead sa endgame ng unang pagkatalo ni Jorge Galent sa pitong laro bilang stand-in coach.RICO NAVARRO