‘Smile policy’ ikinasa sa mga kawani, opisyal sa Mulanay, Quezon

‘Smile policy’ ikinasa sa mga kawani, opisyal sa Mulanay, Quezon

July 9, 2022 @ 11:15 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ikinasa ni  Mulanay, Quezon Mayor Aristotle Aguirre ang “smile policy” para sa mga kawani at opisyal ng lokal na pamahalaan.

Nakapaloob ito sa inilabas na executive order (EO) ni Aguirre, na bahagi ng mga flagship program ng lokal na pamahalaan.

Sa nasabing EO, lahat ng kawani at opisyal ng bawat departamento, tanggapan, units at sections ng lokal na pamahalaan ay kailangang laging nakangiti kapag nagsisilbi sa kanilang mga kababayan.

Kailangan umano ito upang maipakita ang “calmness and friendly atmosphere” sa kanilang mga pinagsisilbihan.

Ang mga lalabag sa patakaran ay didisiplinahin batay sa isinasaad sa civil service code. RNT/SA