‘Smoke-Free Manila Bay’ campaign, inilunsad ng DOH

‘Smoke-Free Manila Bay’ campaign, inilunsad ng DOH

November 29, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MAILA, Philippines- Inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health development (DOH-MMCHD) ngayong Martes ang kampanya na maging smoke-free ang Manila Bay.

Ang aktibidad ay inilunsad sa Baywalk Dolomite Beach bilang bahagi ng selebrasyon ng Lung Cancer Awareness Month, na may layuning itaguyod at isulong ang isang breathable environment kung saan ang publiko ay maaring magpalipas ng oras habang naglilibang.

Sa nasabing kampanya, nangako ang iba’t ibang ahensya at NGOs ng No Smoking sign na ilalagay sa Dolomite Beach.

Kasama rito ang Metropolitan manila Development Authority at Maila LGU gayundin ang pribadong sektor tulad ng Action on Smoking & Health (ASH) at Philippines and Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).

Noong 2020, ipinakita sa datos mula sa World Health Organization (WHO) Global Cancer Observatory na ang lung cancer ay nanatiling pangalawang pinakalaganap na sakit at ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay na may kaugnayan sa cancer sa parehong kasarian sa buong mundo.

Sa Pilipinas, 19,180 na bagong lung cancer ang naitala para sa parehong kasarian na katumbas ng 12.5 percent ng lahat ng kaso ng canser sa bansa.

Ang nasabing porsyento ay pangalawa sa pinakamataas sa lahat ng uri ng cancer na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso.

Sa pamamagitan ng paglulunsad ng Smoke-Free Manila Bay kasama ang mga multi-sectoral partner agencies, sinabi ng DOH-MMCHD na umaasa ang maraming Pilipino na makita ang paninigarilyo bilang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng cancer sa baga kaya hindi sila hinihikayat sa nasabing bisyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden