Smuggled na imported medicines idineklarang ppe, buking sa BOC

Smuggled na imported medicines idineklarang ppe, buking sa BOC

September 22, 2020 @ 6:49 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) laban sa pagpasok sa bansa ng mga “smuggled” na produkto, naharang nga mga tauhan ng Manila International Container Port (MICP) sa pamamagitan ng kanilang Assessment Division, Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service (ESS) at ng Port Inspection Division (PID) ang kahun-kahon na mga imported na gamot nitong Setyembre 15, 2020.

Ayon sa BOC, sinamantala ng consignee ng mga nasamsam na smuggled na gamot na F.E.R.N. Freight Enterprises ang nararanasang pandemya kung saan idineklara pa nila ang mga ito na Personal Protective Equipment, partikular na ang facemask.

Sa isinagawang inspeksyon, nabuking na ang naharang na mga kontrabando ay naglalaman ng iba’t ibang klase ng gamot at medicinal ointments. Ang nasabing kargamento ay walang mga import permit o clearances mula sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno.

Inisyuhan ng MICP District Collector ng warrant of seizure and detention (WSD) ang nasabing kargamento dahil sa paglabag nito sa Section 1113 (f) at Section 117 na may kaugnayan sa Section 1401 ng Republic Act No. 10863 o mas kilala na “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).   JAY Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...