Smuggling sa Subic tatalupan ng Kamara – Salceda

Smuggling sa Subic tatalupan ng Kamara – Salceda

January 10, 2023 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippimes- Iniutos ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nangyayaring smuggling sa Subic Port kasunud ng pagbatikos nito sa kawalang aksyon ng Subic Bay Metropolitan Authority(SBMA) sa usapin.

“The ‘nonchalance’ of the SBMA in the face of legitimate concerns about smuggling through the port is “unacceptable”, as it shows the “kind of institutional inertia that breeds corruption and kills local Philippine industries,” ayon kay Salceda.

Ayon kay Salceda lumilutaw na mula taong 2020 ay sentro ng technical at actual smuggling sa Subic patunay dito ang 4 na magkakasund na malalaking operasyon kung saan nakumpiska ang ilang smuggled agricultural products kabilang na dito ang 7000 metric tons ng smuggled sugar na naharang sa Subic noong Agosto 2022.

“Any government agency with some vestige of authority cannot call itself nonchalant or indifferent, especially in the face of a monstrous, job-killing and predatory enemy like large-scale smuggling,” pahayag ni Salceda.

Ibinunyag ni Salceda na ilang impormasyon ang lumalabas na maging sa pagpapabayad ng taripa ay mayroon ding anomalya sa Subic.

“There is credible information that the Subic port undercharges tariffs per container van by just as much as 1/8th of the actual tariff dues, or around PHP100,000 per container van of imported meat instead of PHP800,000,” dagdag pa ni Salceda kung saan tiiniyak nito na sa gagawing imbestigasyon ay papangalanan ang mga sangkot dito.

“We are prepared to name names at the proper time. For now, we will protect our sources,” giit pa nito.

Sinabi ni Salceda na kanya ring aalamin ang natanggap na report na ilang meat companies ang bumibili ng kanilang supply sa mga smugglers na malinaw na paglabag sa Presidential Decree No. 1612 o Anti-Fencing Law.

“We will point them out in the proper time. The Ways and Means Committee will aggressively run after them,” pagtiyak nito.

Bukod sa gagawing imbestigasyon, siniguro ni Salceda na magpapatupad ng pagbabago sa ipinatutupad na rules and regulations lalo na pagdating sa isyu ng visitorial powers ng kapulisan at visitorial powers ng Bureau of Customs sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act.

“As always, the Committee will both try to catch perpetrators but also deal with the issue in a more long-term way through reforms in policy and government procedures,” pagtatapos pa ni Salceda. Gail Mendoza