SNATCHER BINIGYAN NG DOLE NG PANGKABUHAYAN SA HALIP NA IPAKULONG

SNATCHER BINIGYAN NG DOLE NG PANGKABUHAYAN SA HALIP NA IPAKULONG

November 15, 2020 @ 1:06 AM 5 months ago

  •  
  •  
  •  

SA halip na parusahan ang mga nang-agaw ng cellphone ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III, nanaig pa rin ang kagandahang-loob nito nang tulungan ang mga batang juvenile na nagkasala sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng  pagkakataon na magkaroon ng pangkabuhayan na may pag-asang mapalalayo sila mula sa iligal na gawain.

Habang ibinabalik ng nang-agaw ng telepono ng pinuno ng manggagawa, sinabi ni Manila Police District (MPD) Theft at Robbery Section Chief Joey De Ocampo na naaangkop na aksyon na isasagawa sa pagsisiyasat.

Ang mga batang nagkasala ay sumailalim sa profiling bilang mga potensyal na benepisyaryo ng mga programa ng DOLE sa ilalim ng Bureau of Workers with Special Concerns (BWSC) at Bureau of Local Employment (BLE), na pinamumunuan ni Director Karen Trayvilla at Assistant Secretary and concurrent Director Dominique Tutay, ayon sa pagkakabanggit.

 

Nasa larawan din si Labor Under Secretary Renato L. Ebarle.

-ooOoo-

 

OUTGOING JAPANESE ENVOY TO THE PH

 

Noong Oktubre 22, 2020, bumisita si H.E. Koji Haneda, outgoing Ambassador – designate ng Japan sa Republic of the Philippines kay Labor Secretary Silvestre Bello III upang magpaalam nang personal sa kalihim sa DOLE Central Office sa Intramuros, Manila.


  •  
  •  
  •