Snooky, nilaglag si Maricel!

Snooky, nilaglag si Maricel!

November 23, 2022 @ 6:00 PM 6 days ago


Manila, Philippines – Ibinisto ni Snooky Serna na nanligaw noon si Gabby Concepcion kay Maricel Soriano nang mag-guest ang Diamond Star sa vlog ng una.

Ayon kay Snooky, nu’ng ginagawa nila ang pelikulang Underage last 1980, na pinagbidahan nila ni Maricel kasama si Dina Bonnevie, ‘yun ‘yung time na niligawan ni Gabby ang Diamond Star.

That time ay crush ni Snooky si Gabby. Payo nga sa kanya ng namayapa niyang ina, ang dating aktres na si Mila Ocampo, na uminom siya ng uminom ng gatas para mapansin ni Gabby. Para siguro pumuti siya na gaya ni Maricel.

Pero wala ring nangyari dahil si Maricel nga ang niligawan ng dating mister ni Sharon Cuneta.

Pagkarinig ni Maricel ng pambibisto ni Snooky, sabi niya, hindi na niya naaalala ‘yun.

Ayaw naman kasi ni Maria ng mapuputi.

Pero si Snooky, sabi niya, “I remeber, kasi medyo makirot sa dibdib.” Na ang ibig niyang sabihin, hindi nga kasi siya ang niligawan ni Gabby kundi si Maricel kaya masakot sa dibdib niya.

Wala namang napabalita noon na nagkaroon ng relasyon sina Maricel at Gabby. Ang mga naging boyfriends ni Maricel ay sina William Martinez at Ronnie Rickets lang. Naging asawa naman niya si Edu Manzano at nakarelasyon din niya si Cesar Jalosjos na ama ng anak niyang si Tien-Tien.

So, binasted siguro ni Maricel si Gabby, ‘di ba? Sabi nga kasi niya ay ayaw niya ng mapuputi. E, si Gabby ay maputi. Pero si Edu rin naman ay maputi. Pero nagustuhan siya ni Maricel.

Siguro ay wala lang spark sa kanya si Gabby. Rommel Placente