Sobrang katabaan, nakababawas ng halos 10-taon sa buhay

Sobrang katabaan, nakababawas ng halos 10-taon sa buhay

October 18, 2018 @ 2:21 PM 3 years ago


 

Manila, Philippines – Natuklasan ng bagong Australian research na ang mga babae na obese na edad 20-anyos at 30-anyos ay nababawasan ng anim na taon sa kanilang life expentancy habang walong taon naman sa mga lalaki.

Sa pangunguna ng mga researcher mula sa George Institute for Global Health at University of Sydney, ang bagong pag-aaral ay gumamit ng microsimulation model ng obesity progression sa Australia upang bilangin ang inaasahang timbang na maaari lamang madagdag kada taon sa bigat ng mga adult depende sa kanilang edad, ksarian at kaslukuyang timbang.

Para sa pag-aaral, gumamit ang mga researcher ng 12,091 adults na may edad 20 hanggang 69 upang maging representante ng populasyon ng bansa na 14.9 milyon.

Matapos isaalang-alang ang kasalukuyang life expentancy ng Australia at mataas na mortality ng mga taong overweight at obese, natuklasan ng model na ang natitirang life expectancy ng mg taong sa 20s, 30s, 40, 50s at 60s sa apat na iba’t ibang Body Mass Index (BMI) categories; healthy, overweight, obese at severely obese.

Kinalkula rin ng model ang bilang ng taon na nababawas sa buong buhay ng tao para sa mga taong may sobrang timbang sa bawat grupo kumpara sa mga mayroong healthy weight.

Dito natuklasan na sa vareage, ang malusog na lalaki at babae sa kanilang 20’s ay inaasahan pang mabuhay ng 57 hanggang 60 taon.

Gayunpaman, para sa mga mayroong sobrang timbang, bumaba ang life expentancy.

Ang mga babaeng overweight na edad 20 at 30 ay natuklasang nababawasan ng anim na taon sa kanilang buhay habang ang mga lalaki naman ay nababawasan ng walo.

Samantala, ang mga babae naman na severely obese ay nababawasan ng walong taon habang ang mga lalaki ay sampu.

“There is the assumption that overweight and obesity is a problem for people in middle age, and that people in their 20s and 30s are in the prime of their lives. Yet currently, only 43 percent of Australian men in their 20s and 34 percent in their 30s are in a healthy weight range, which is worrying,” ayon sa co-author ng pag-aaral na si Associate Professor Alison Hayes.

“We know that excess weight has an impact on your health, but to have excess weight as a young adult is really significant on life expectancy. We are talking about losing up to 10 years of your life,” dagdag ng lead author na si Dr. Thomas Lung.

“Our model predicts adult obesity prevalence will increase to 35 percent by 2025. We need to act now and have an obesity prevention strategy targeting adults at all ages and in particular young adults,” sabi ni Dr. Lung, kung saan binigyang diin niya sin na ang resulta ng pag-aaral ay maiuugnay sa ibang bansa na may matataas na weldo./Remate News Team