Sobrang koleksyon ng ERC sa kuryente, ipinababalik ni Hontiveros sa consumers

Sobrang koleksyon ng ERC sa kuryente, ipinababalik ni Hontiveros sa consumers

October 5, 2022 @ 1:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Risa Hontiveros nitong Miyerkules, Oktubre 5 sa Energy Regulator Commission (ERC) na ibalik ang sobrang singil sa weighted average cost of capital (WACC) rates na nagpataas sa halaga ng singil sa halaga ng kuryente sa consumers.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat bigyan ng ERC ang mamamayang Filipino, hindi lamang isa, kundi dalawang regalo sa taong ito matapos magdesisyon sa ahensiya na simulant ang resetting ng transmission wheeling rates.

Malugod na tinanggap ni Hontiveros ang pahayag ng ERC bilang “magandang panimula” nang simulant ng ahensiya ang resetting ng transmission wheeling rates upang mapanatili ang balance sa regulasyon ng transmission.

Direktang sinisingil sa consumer ang transmission wheeling rates para paggamit ng transmission facilities sa paghahatid ng elektrisidad sa kabahayan at makikitam ito sa buwang singil sa kuryente.

“Magandang balita itong simula ng reset process para sa mas patas na transmission wheeling rates na parte ng ating buwanang bayarin sa kuryente. But why have one piece of good news, when we can have two? Let us also start the process of refunding consumers for the unreasonably high 15% weighted average cost of capital (WACC) being unduly collected since 2015,” ayon kay Hontiveros.

Ayon kay Hontiveros, na sobrang mataas ang 15 porsiyetnong WACC rate para sa transmission operator National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kumpara sa o WACC rates na pinapayagang sa ibang bansa tulad ng Indonesia (2.3 percent) at Thailand (7.2 percent).

“The WACC – which is the return a company expects on the capital it has invested in a business – contributes to the monthly costs of consumers.”

“Pitong taon nang pinapasan ng mga kababayan natin ang hindi makatarungang WACC rate na ito. Consumers deserve not only a reset of WACC rates, but also a refund for the immense burden we have endured over the years. Dapat mabigyan ng hustisya ang mga kababayan nating napilitang indahin itong mataas na WACC rates kahit may pandemya at lugmok ang ekonomiya,” giit ng senadora.

Umaasa naman si Hontiveros na magagawa ng ERC na magtakda ng tamang WACC rates para s aBGCP at iba pang utilities dahil base sa huling imbestigasyon ng Senado na natukalsang gumagastos ang transmission operator ng kuwestionableng gastusin tuald ng P369 million para sa “entertainment” at P672 million para sa “public relations” sa taong 2017 at 2018.

“Previous flawed policies have allowed the NGCP to fork over billions to their shareholders at the expense of power consumers. Panahon na para ang konsyumer naman ang makinabang sa mga bagong desisyon ng ERC,” giit ni Hontiveros. Ernie Reyes