Sobrang laking sirit sa COVID hospitalization iniulat ng Tsina-WHO

Sobrang laking sirit sa COVID hospitalization iniulat ng Tsina-WHO

January 20, 2023 @ 11:49 AM 2 weeks ago


GENEVA, Switzerland – Iniulat ng China ang malaking pagtaas sa bilang ng mga naoospital sa COVID-19  na pinakamataas sa lingguhang ulat mula noong nagsimula ang pandemya, ayon sa lingguhang ulat na inilathala ng World Health Organization (WHO) noong Huwebes.

Gayunpaman, sinabi ng WHO na hinihintay nito ang “detailed provincial data disaggregated by week of reporting” sa halos 60,000 karagdagang pagkamatay sa ospital na nauugnay sa COVID na iniulat ng China noong nakaraang linggo at hindi isinama ang mga ito sa tally.

Ang bilang ng mga taong naospital na may sakit sa China ay tumaas ng 70% sa 63,307 kumpara sa nakaraang linggo, ayon sa ulat ng WHO batay sa data na isinumite ng Beijing.

Ito ang pinakamataas na lingguhang bilang na naiulat ng China mula noong unang lumitaw ang COVID-19 mahigit tatlong taon na ang nakararaan.

Noong unang bahagi ng Disyembre, biglang binuwag ng Beijing ang mahigpit nitong tatlong taong anti-virus protocols. RNT