Sobrang paggamit ng gadget, nakadadagdag sa sintomas ng ADHD- study

Sobrang paggamit ng gadget, nakadadagdag sa sintomas ng ADHD- study

July 22, 2018 @ 2:15 PM 5 years ago


 

United States – Lumabas sa resulta ng pag-aaral na ang sobrang paggamit ng gadget ay nakadadagdag ng sintomas ng pagkakaroon ng attention deficit hyperactivity disorder o ADHD.

Ito ang resulta na ipinakita sa Journal of the American Medical Association na base sa halos 2,600 Los Angeles teens na sumagot sa survey questions sa loob ng dalawang taon—isa sa pinakamalaki at pinakamatagal na pag-aaral tungkol paksa.

Mas maraming social media, streaming video, text messaging, music downloads at online chats, mas malaki ang tyansang magkaroon ng sintomas gaya ng hirap sa pag-oorganisa at pagkumpleto sa mga gawain o kaya’y hindi mapakali.

Nasa 10% ng kabataan ang nagsabi na sila ay parating gumagamit ng digital media platforms ay kinakitaan ng bagong sintomas ng ADHD sa loob ng study period, ayon sa ulat.

Samantala, 4.6% naman ng mga estudyanteng nagsabing hindi sila madalas gumagamit ng kahit anong digital activity ang kinakitaan din ng ADHD symptoms.

Naalerto ang mga researcher sa hindi maipaliwanag na pagtaas na sintomas ng ADHD at sinabing kaunti lamang sa epekto nito ang kayang ipaliwanag.

Bukod pa rito, dahil ang pag-aaral ay observational at base sa sagot sa survey ng mga kabataan, sinabi rin ng mga researcher na hindi nila mapapatunayan na ang paggamit ng smartphone mismo ang nagdudulot ng sintomas ng ADHD.

Gayunpaman, ang natuklasang resulta ay maaring maging basehan para sa mga susunod na research dahil, “this was a statistically significant association,” sabi ni said Adam Leventhal, a professor of preventive medicine and psychology sa the University of Southern California.

“We can say with confidence that teens who were exposed to higher levels of digital media were significantly more likely to develop ADHD symptoms in the future.”

Ayon sa naunang pag-aaral, 7% ng kabataan sa United States ang nagkakaroon ng ADHD, isang a psychiatric condition kung saan hirap mag-focus, hyperactive at  impulsive ang isang indibiduwal. (Remate News Team)