Social media attacks sa MTC judge pinalagan ng ADMU

Social media attacks sa MTC judge pinalagan ng ADMU

September 30, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinalagan ng Ateneo de Manila University – Law School (Ateneo Law School) ang nangyaring social media attacks laban sa isang husgado ng Manila trial court kaugnay ng nangyaring pagbasura sa petisyon ng pamahalaan na ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA.

Tinawag na iresponsable at mapanglait ang ginawang pag-atake kay Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar.

“We, the members of the Ateneo Law School community, strongly condemn the red-tagging and inciting of violence against members of the legal profession and the Judiciary, the most recent being the grave online attacks against Manila Regional Trial Court Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar,” anang Ateneo Law School sa isang statement ngayong Biyernes, Setyembre 30.

“This statement goes beyond standing with and for one of our own. This, too, is a reminder that an attack against a dutiful member of the court is an attack against a free judiciary mandated to safeguard our inherent rights through the rule of law,” dagdag pa.

Matatandaan na kamakailan ay nagbabala rin ang Korte Suprema na mahaharap sa pagkakulong o multa ang sinumang maghahasik ng karahasan o gulo sa pamamagitan ng social media, maging ang pagbabanta.

“The Court STERNLY WARNS those who continue to incite violence through social media and other means which endanger the lives of judges and their families, and that this SHALL LIKEWISE BE CONSIDERED A CONTEMPT OF THIS COURT and will be dealt with accordingly,” pahayag ng SC sa resolusyon inilabas nitong Setyembre 27.

Ang resolusyon ay inilabas kasunod ng social media post ni Loraine Marie Badoy, dating tagapagsalita ng National Taskforce to End Local Communist Armed Conflict laban kay Malagar na inakusahan nitong nag-aabugado umano para sa CPP-NPA. RNT/JGC