‘Social mobilizer’ itatalaga kontra-COVID vaccine wastage

‘Social mobilizer’ itatalaga kontra-COVID vaccine wastage

April 2, 2022 @ 4:15 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Upang maiwasan ang pag-aaksaya ng mga bakuna laban sa coronavirus disease o COVID-19 vaccine , sinabi ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na maglalagay ang gobyerno ng mga “social mobilizer” sa mga lugar na mababa ang pagbabakuna.

Sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na wala itong eksaktong bilang kung gaano karaming mga dosis ng bakuna ang mawawalan ng bisa sa Hulyo.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na mayroong 27 milyong dosis ng COVID-19 vaccines na nakatakdang ma-expure sa July.

Sinabi pa ni Cabotaje na ang social mobilizers ay ipaaalam sa mga komunidad ang tungkol sa mga benepisyo pati na rin ang mga side effect ng pagkuha ng bakuna upang kumbinsihin ang mas maraming tao na magpabakuna.

Noong Abril 1, sinabi ng health official na may humigit-kumulang 67 milyong indibidwal ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19, tatlong milyon ang kulang sa target ng gobyerno na 70 milyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden