Social protection, disaster response paiigtingin ng DSWD, Australia

Social protection, disaster response paiigtingin ng DSWD, Australia

March 18, 2023 @ 9:28 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Binabalak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na muling pasiglahin ang Social Welfare Development Center for Asia and the Pacific (SWADCAP) bilang akademya  na mag-aalok ng  short-term courses at  certificate programs upang mas lalo pang mapahusay at masanay ang social service workforce.

Sa ipinalabas na kalatas ng DSWD,  sinasabing  binanggit ni Gatchalian ang nasabing plano sa kanyang pakikipagpulong kay  Australian Ambassador to the Philippines Hae Kyong Yu at delegasyon  nito noong Marso 15  sa DSWD central office sa Quezon City.

Kabilang sa mga  social service workforce  na ide-develop ng  center ay ang social workers, non-governmental organizations, local government personnel at iba pang service providers na may kinalaman sa pagpapatupad ng social protection packages sa mga vulnerable at disadvantaged sector.

Nagpahayag naman ng kanyang “full support” si Ambassador Yu kung saan handa itong magbigay ng  technical assistance sa paggawa ng training packets o pathways para sa nagpapatuloy na  professional development programs at maging ang pagsasagawa ng pagsasanay sa mga trainers para sa akademya.

Sa nasabing miting, binanggit din ni Gatchalian na ang isa sa mga prayoridad nito ay palakasin ang disaster response system ng  DSWD.

Dahil dito, ibinahagi ng  Australian Embassy representatives ang  Strengthening Institutions and Empowering Localities Against Disasters and Climate Change (SHIELD) Program, isang disaster preparedness program na suportado at pinopondohan ng  Australian government na ipinatutupad ng  11 local government units sa bansa.

Nangako naman ang embassy delegation na ibabahagi sa DSWD ang kanilang “disaster response framework at best practices.”

Patuloy namang itinatayo ng DSWD at pinapalawig ang partnerships nito sa international organizations “to better improve the quality of services for the benefit of Filipinos.” Kris Jose